138524  Poems Read Home Login

 Elena's Humming Soul

thepoetessmypoems7771wordrider1poet5170angelicheavenlystarwildbirdaussiepoetpreciouspoetesspoetryofadovewhispersofmysouljerseygirl2morewordscountrypoetpoet9326gencturkpatriciajj
PANGINOON, KASAMA KITA




Habang hinahabi ng ulap ang dilim
Sa lilim ng takipsilim
Ako'y napayuko't nanalangin
Dios Amang mahabagin….

 
Sa marahang dampi ng amihan sa aking pisngi,
Naniniwala akong nariyan ka sa bawat sandali;
Sa samyo ng mga talulo't bulaklak,
Dama ko ang iyong kariktan at halimuyak.

Sa bawa't patak ng aking luha
Dinig ko ang bulong ng iyong salita;
Dito sa aking puso, hatid mo'y pag-ibig at pag-asa
Sa aking pagharap ng bukas, Panginoon, kasama kita.

Isinulat ni : Elena Maria Mana-ay Parcon©2014

Petsa ng Pagkakasulat: Ika-26 ng Mayo, 2013

Petsa ng Pagkakalahad: Ika-17 ng Nobyembre, 2014









©2000 - 2022, Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]   [ Search ]