~ DAMDAMING TUMUTULA ~    [Author's Home Page!]
  91376   Poems Read   


[Poetry PoetryPoem] [Poetry Search] [Contact Us] [FREE Site] [Home] [Poets] [Login]


AKING BAYAN ni Cotejo Aileen

GALIT ni Yalong, Kimberly

KAHIRAPAN ni Jay Mark Zabala

Bulaklak ni Aguillon, Caryl

ATING PAGMASDAN

Poetry Poem

NOON AT NGAYON

More Poetry >>

((((DAMDAMING))))
~~~TUMUTULA~~~~

Sa pagbuo ng tula
kailangang sa bato itataga
ang mga elemento nito
kailangang kompleto:
ang DISKYON-
ang siyang pagpili ng salita,
ang HIMIG-
ang siyang nagsasabi sa alimang
nadarama,
ang PERSONA-
ang siyang nagsasalita;
ang tining ng tula,
ang TONO
ang siyang nagbibigay diin ng tula
ang siyang gabay upang kaisipa'y mapapalitaw
ang KAISIPAN
ang siyang nagsasaad ng tema,
ang LARAWANG DIWA o IMAHERIYA
ang nagsasasaad kung ano
ang siyang makikita
ang siyang maririnig
ang siyang malalasahan
ang siyang maamoy...
ang RITMO
siyang nagsasaad sa pagiging
mabilis, mabanayad, magaan na mga salita
ang SUKAT
ang siyang mga bilang ng pantig bawat salita
ang TUGMA
ang siyang pagkakahawig ng tunog nga mga salita
sa dulo ng mga taludtod.

Sa TULANG MALAYA
maaring SUKAT AT TUGMA mawawala
huwag lamang ang PATALINGHAGA
ang siyang mga tayutay ng tula..

mga damdamin ninyo'y itutula

mga salita'y masisiyahan

mga tayuta'y magngingitian

at mga tugma'y magsasayawan.

sa pagsasaayos ng tula

mga salita'y ikakarsel

lilimitahan.

Sa pagiging kaunting lamang

ang daming nilalaman.

Itutula ang sa puso'y nadarama,

ang pagsasalaysay sa alinmang nakikita

at mga kwentong

nakakalito

nakakaaliw

upang ang tula'y

magkakaroon ng aliw-iw.


mga saknong ay

buuhin bilang karaniwan:

mahinhin at tuso

tiyak at maalamin,

mapanukso't tunay

madamdamin at matapang;
at

masigla't mapagbiro
na
munting

makabagong

mangungusap

na
TULA.




~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Marifi V. Pedere]
~~~~~~~~~~~~~~~~~


[[[[[[]]]]]][[[[]]]]]
(()@@*DAMDAMING*@@())
((()@@**TUMUTULA**@@()))
(a mind who says a poem)
(13th October, 2004)
[[[[]]]][[[[]]]][[[[]]]
GISING na damdamin
pilit na nagtutula
waring
bulag at bingi
subalit
nakakakita
ng bawat patak ng ulan;
nakakarinig
ng hagulhol
ng bawat
pusong naghihinagpis...
(AWAKED mind
resists to say a poem
pretends
as blind and deap
but
could see
every rains;
could hear
the vains
of every
heart broken...)
DAMDAMING nagtutula
singtalas
ng araw
na
masusuyong sumasayad
kahit sa pisngi
ng langit
na nakapagitan
sa madamdaming
dagat...

A MIND who says a poem
sharp as
the sun
that
lovingly absurb
up to sky surface
that has to kissed
to its blue-wish water.)


NAGTUTULA ang isip,
mga tugma'y
naghihiyawan
mga sukat nito'y
naguguluhan
sa kung paano
marinig
ang tinig
ng mga tayutay
na
naglalambingan...

(The MIND is poeming
its rhymes
were crying
its measures
were confusing
on how
the voice
of its romantic verses
could be heard...)

ISIP ay nangarap
sana'y
tainga
ang makakakita
kahit sa
animo man lamang
ng tula
sa latay
ng bawat salita
sa puso
ng bawat isa
ng taong nagnanais
sa pagtutula ....

(the REASON was dreaming
that
ears
could
see
even
just a shadow
of a bruise
of the words
of a heart
of everyone
who loved
to say a poem...)





Learn how to get rid of ads on your poetry pages






monique Message from Monique - Free videos for your poetry. Check them out Go to Poetry Poem youtube channel and get the embed  
YouTube
dreamweaver POETRY BY KRIS ~ DREAMWEAVER - ~WELCOME TO DREAMLAND~ Read my Poems to Know me. I am in my poems.  
dreamweaver
poet5170 Poetry by Elsie - *WELCOME TO MY WORLD* ~ Read my poems full of fact, fiction and fantasy.  
poet5170
malibupoetess Life Lines by Malibu Poetess - Straight forward prose and poetry on life, love, joy and disillusionment.  
malibupoetess
norrie5 Message in poetry - personalised poetry, red heartshaped bottle extra special gift for a loved one  
norrie5
waterdragon Our Next Poet Laureate! YAYA! - Remarkable contemporary poetry by award-winning author of Out of Cullen Street (A House of Madness)  
waterdragon
athanase Poetry by athanase - Feedback and critique requested.  
athanase


©2000 - 2022 ------- Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors

Sign Guestbook Read Guestbook

[ Control Panel ]
Last 100 Poems

Search over
400,000 poems!