Nilait nila ako, kinapitan ng masasamang salita, ginamit kaya ako umalis sa pagka-choir member at tumigil sa paglilingkod. Maliligtas nga ba ang mga kapwa ko makasalanan sa pagduwahagi nila sa akin? Sino sila para manumbat at manghusga sa akin kung mismong dumi nila sa mata hindi nila maalis, kung mismong bakuran nila mas magulo pa sa bahay ko?
Alam ng Diyos na ayokong huminto sa pagpupugay sa Kanyang Banal na Pangalan ngunit kailangan kong lumayo sa mapagmataas na lipunan at tanggapin kung sino ako. He created me out of His love kaya alam ko mahal ako ng Panginoon, na nauunawaan Niya ang desisyon kong mamuhay ng buhay na deserve ko.
If loving her is wrong then I don't wanna be right anymore. Hindi ko na hahangaring mapunta sa langit kung mawawala naman ang pinakamamahal na paralumang siyang nagbibigay saya at inspirasyon sa akin, sa nag-iisang babae na nagpatibok muli ng puso ko at iniibig ako ng tunay at tapat. Kung mawawala din lang siya, mabuti pa ang pumanaw...