312669  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

thecreativepoet1208
Ang Namumukod-Tangi at Walang Kaparis na Ikaw


Batid ko...alam ko, sigurado ako na wala kang katulad,
Walang makakapantay ni makahihigit pa sa iyo, mahal ko;
Iba ka sa kanila, bukod-tangi, yan ay ramdam ko,
Kaya sana'y ikaw na nga, Jade, ang makapiling ko sa tuwina.


Aanhin ko ang yaman kung wala ka, o giliw,
Aanhin ko ang tagumpay kung hindi ka maaangkin?
Makamtan man ang lahat ay hungkag pa rin ang buhay,
Sapagkat ang tunay na ligaya ko ay nasa iyo aking liyag.


Kahit pa magunaw ang mundong ginagalawan,
At kahit pa ako magdusa sa gabi at araw;
Ay tunay ngang makakaya ang biro ng tadhana,
Huwag mo lang akong limutin dahil kailangan kita.


Manangan ka, o irog, sa sumpang binitiwan,
Ikaw lang ang mahalaga sa puso kong nangangako;
Mawala man ako o tuluyan mang maglaho,
Pag-ibig ko'y tanging sa iyo lamang aking paraluman!

 -- SALLIE
Nov. 29,2010

              
videokeman mp3
Mahal Kita Walang Iba – Ogie Alcasid Song Lyrics







©2000 - 2019 - Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]  [ Search ]