Aanhin ko ang yaman ng buong mundo
Kung di ko kilala si Kristo?
Aanhin ko ang lahat ng katanyagan
Kung ang puso ko'y nanlulumbay at nahihirapan?
Sa daang marikit at masalimuot,
Bakit ako mangangamba at matatakot
Kung kasama ko si Hesus na nagbabantay sa akin
Sa wagas Niyang Pag-ibig di ako kukulangin.
Sa simpleng buhay ako ay masaya
Dahil sa butihing Pastol na nandyan sa tuwina;
Sa paligid ko'y umaapaw na kapayapaan,
Dalisay Niyang kalooban ay aking kalakasan.
Isinulat ni: Elena Maria Mana-ay Parcon copyright2012