[Author's Home Page]   [About the Author]    [News Page]     Welcome:    ---    LOGIN
 Elena's Humming Soul      138911 Poems Read


Di Man ako karapat-dapat (Though I'm not Worthy)





Salita ko'y di sapat
Upang sa iyo'y magpasalamat;
Ngunit dinggin ang puso kong umaawit,
Himig ng pananalig ang tanging isinasambit.



Nakayuko ako't nakaluhod sa iyong harapan,
Nakiiisa sa mga anghel at mga banal sa kalangitan;
Sabay-sabay nagbibigay pugay sa iyong Ngalan,
O Hesus, aking Hari magpakailanman.



Di man ako karapat-dapat
Na ika'y tanggapin,
Wagas mong pag-ibig
Iyong ipinadama sa akin.



Ang banal mong dugo't katawan,
Hatid sa akin ay pag-asa at kaligayahan;
Kaluluwa ko'y nabubusog, masigla,
Pagpipirme sa inyong tirahan ay kaaya-aya.




Bagaman ako'y nagkulang at nagkasala,
Ako'y iyong pinatawad at kinalinga;
Dahil sa puso mong daluyan ng grasya at awa,
O Hesus, aking Tagapagligtas, banal at dakila.



Isinulat ni: Elena maria mana-ay Parcon

Petsa ng Pagkakasulat: May 21, 2012





Vote for this poem

Please Comment On This Poem

Comments

 Email Address

 

Vote for this poem



Sign Guestbook Read Guestbook

flower1

flower1

flower1
  [ Poetrypoem.com ]   [ Privacy ]   [Terms ]    [ Start a Free Site ]   [ My Poetry List ]
     ©2000 - 2022 ---------- Individual Authors of the Poetry.   All rights reserved by authors.