Welcome to My Poetry Site

Pagtagpo at Paglayo

Ang dating maliit nating mundo
Kung saan ikaw at ako'y palaging pinagtatagpo
Naging malawak at madaming pulo
Ang dating ikaw at ako
Naging kami, sila at kayo
Kung saan tayo'y tuluyang pinaglayo.
Plano natin at tadhana'y di magkasundo
Tayo'y hindi na muling pinagtagpo
Gustohin ko man at ipagpilitan ito
Kapalaran ay hindi sang ayon dito
Walang saysay lahat ng naging plano.
Paano na ang pagkakaibigan nating binuo?
May kasunod pa ba itong kwento?
O iyon na ang hangganan at dulo?
Maibabalik pa ba sa dati nating tayo?
O mananatili nalang sa kami at kayo?
Hahakbang ka ba patungo dito?
O sa lugar ng paglimot mo?
Paglimot sa ating nakaraang pinuno
Ng alaalang kasing halaga ng ginto
Kahit na may konting pagtatalo
Sa masasayang alaala tayo'y nagsalo.
Ang makasama kang muli ay malabo
Ngunit sana'y ang ating kwento
Ay hindi dito huminto.

-mafeanz-


Comment On This Poem --- Vote for this poem
Pagtagpo at Paglayo

1,981 Poems Read

Sponsors