|
ANG NAG-IISANG IKAW!Napupuno ako ng maraming kapanglawan, Ng mga panambitan at hinaing sa buhay; Para bang kung wariin ay wala nang kawakasan, Ang mga panangis at pagtitiis na dulot ng nakaraan. Buhay ko ay nagkakulay magmula nang masilayan, Ikaw na sa pangarap ay lagi nang kaulayaw; Mahal kitang tunay nababatid ng Maykapal, Ngunit damdamin ko'y naghihirap sa tuwi-tuwina. Ang pintig ng pagmamahal sa iyo ko lamang natagpuan, Subalit takot na akong mag-alay pang muli ng pag-ibig; Ganito kasi ako, hindi mo pa maipagmamalaki, Datapwat pagmamahal ko sa iyo ay wala ngang kapara. Hahayaan ko na lang na abutin kita sa panagimpan, At doon kita aalayan ng walang maliw na pagsinta; Sa isang bahagi ng panginorin pilit kitang aaninawin, Totoong ang katulad mo ay minsan lang sa aking buhay! -SALLIE, thePoeticJournalist May 15, 2004 - Toronto Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|