Hindi mo man ako tanggapin bilang ako'y ako,
Hindi mo man ako mahalin
gaya nang nadarama ko sa iyo;
Pag-ibig ko'y di na magbabago
ikaw lang sa puso ko,
Kaligayahan ko nang sambahin ka
at idambana sa buhay ko.
Wala na akong iibigin kundi ikaw lamang,
Wala na akong iisipin kundi ang nag-iisang ikaw;
Sa puso ko at isipan ay nakaukit ka na,
Wagas kitang pakamamahalin magpakailan pa man.