Bakit ang bituin ay makulay at kay ganda,
Bakit ang buwan ay nagniningning
sa gitna ng kadiliman?
Bakit ang awit ay may simula at wakas,
Na gaya ng buhay na tiyak ngang may katapusan?
Bakit ang puso ay tumitibok, pumipintig?
Iisa ang sanhi at ang dahilan ay pag-ibig;
Pag-ibig ang dahilan kaya mundo ko’y umiinog,
Pag-ibig din ang sanhi
kaya ko naisulat yaring liriko.
Anuman ang mangyari ay tunay kang iibigin,
Mamahalin kang walang maliw, manangan ka sa akin;
Habang nabubuhay ay ikaw lang ang susuyuin,
Habang may hininga ay patuloy kitang mamahalin!