Bago kita nakilala
paligid ko ay natitigib ng lumbay,
At tila takot na akong magmahal pa
dahil sa nakaraan;
Ngunit habang dumaraan ang panahong
tayo'y nagkakausap,
Lahat ng agam-agam at pangamba
ay pinalis mo sa aking buhay.
Hindi mo nababatid
kung gaano mo ako pinasaya,
Kung gaanong ligaya
ang ipinagkaloob mo sa akin;
Akala mo lang ay bale-wala lahat
ang iyong mga ginawa ,
Subalit lahat ng ito
sa puso ko't damdamin ay nakaukit.
Bakit di ka na mapaknit pa
sa isipan ko araw-araw?
Bakit sa tuwi-tuwina
ay lagi pa rin kitang naaalala?
Kinalimutan mo na ako, alam ko,
pero hindi ko ito magawa,
Sapagkat magpa hanggang sa ngayon
ay mahal pa rin kita.
Hangad kong sa mga sandaling ito
ay payapa ka at maligaya,
May kasambahay na nagmamahal
at mga kaibigan ay tunay;
Sana lang, Pamela,
ay mapag-aralan mo na akong patawarin,
Na ang tanging naging pagkakasala sa iyo
ika'y pakaibigin!