|
Uunahin Kita kahit Ano Pa'ng Mangyari!Tunay na mapanglaw mag-isa lalo pa kung taglamig, Paligid ay malamlam, damdamin ko pa’y nagagahis; Kailangan ko ang init ng kanyang pagmamahal, Saan mang dako makarating hinahanap ko pa rin siya. Ngunit kalungkutang nadarama ko sa mga sandaling ito, Kahungkagan ng buhay, lumbay ng pagkatao; Kaya kong tiiisin kung para nga lang sa iyo, aking anak, Paslit ka pa at kailangan mo ako higit kanino pa man. Hindi ako tutulad sa mga kamag-anak at kakilala, Di rin ako gagaya sa mga magulang na mapagpaimbabaw; Pangako’y uunahin mga supling na isinilang, Subalit naaapi naman, nasasaktan lamang ng iba. Kahit pa pumanaw akong nag-iisa, Ali Raza, Kahit pa salat sa yaman o pagmamahal na tunay; Basta lang panatag ka, payapa, ligtas sa sakuna, Ay wala na akong mahihiling pa sa mundong ginagalawan. Hindi man ako dakila at aba man sa sanlibutan, Dinuduwahagi, minamaliit dahil sa aking kawalan; Anuman ang sabihin nila ay hindi ko na pakikinggan. Dahil mas uunahin kita’t ipagtatanggol kapalit man ay buhay! -SALLIE, thePoeticJournalist June 30, 2004 Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|