312002  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

thecreativepoet1208
PAG-IBIG KO'Y SA IYO LANG NAKALAAN


Hindi mo man ako tanggapin
  bilang ako'y ako,
Hindi mo man ako mahalin
  gaya nang nadarama ko sa iyo;
Pag-ibig ko'y di na magbabago
  ikaw lang sa puso ko,
Kaligayahan ko nang sambahin ka
  at idambana sa buhay ko.


Wala na akong iibigin
  kundi ikaw lamang,
Wala na akong iisipin
  kundi ang nag-iisang ikaw;
Sa puso ko at isipan
  ay nakaukit ka na,
Wagas kitang pakamamahalin
  magpakailan pa man.
  

     -SALLIE, thePoeticJournalist








©2000 - 2019 - Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]  [ Search ]