[Author's Home Page]   [About the Author]    [News Page]     Welcome:    ---    LOGIN
 Poetic-Verses      312093 Poems Read


IKAW PA RIN DITO SA PUSO KO!


Nagsisinungaling na naman ako sa iyo
  kung di ko aaminin,
Na magpahanggang sa ngayon
  ay mahal pa rin kita;
Ikaw pa rin ang nag-isang babae
  dito sa puso ko, Pam,
Ang tuwina'y nasa balintataw ko
  at laging iniisip.

Naging syota ko siya
  sapagkat nalulumbay kami kapwa,
Walang nagmamahal ng tapat sa kanya,
  nami-miss naman kita;
Wala akong balak na siya'y ligawan
  pero nagbanta naman siya,
Na di na mag-o online
  at hindi na rin makikipag-chat pa.

Mabait naman siya,
  nag-enjoy ako sa pakikipag-usap,
At batid kong minahal niya ako
  ng tapat at wagas;
Pero ang katotohanan puso ko
  ay para nga lang sa iyo,
Pag-ibig na sa iyo lang nadama
  sa aki'y matamang nakatimo.

Hangad kong naka-recover ka na
  sa sakit na naidulot ko,
Hindi ko ninais na saktan ka
  at damdamin mo'y magahis;
Mahal na mahal  kasi kita
  kaya ko nagawa ang bagay na iyon,
Sana'y mapatawad mo na ako
  na sa iyo'y patuloy pa ring umiibig.

Maraming-maraming salamat, Pam,
  sa masasayang alaala,
Sa tawanan at sa naiibang internet friendship
  pati tampuhan;
Sa mga encouragement, moral support,
  concern at pagmamahal,
Ikaw pa rin dito sa puso ko
  magpahanggang sa ngayon, Pamela!

                                
                  -SALLIE, thePoeticJournalist                    

                        




Vote for this poem

Please Comment On This Poem

Comments

 Email Address

 

Vote for this poem



Sign Guestbook Read Guestbook

valentine4

valentine4

valentine4
  [ Poetrypoem.com ]   [ Privacy Statement ]   [Terms of Use ]    [ Start a Free Site ]   [ My Poetry List ]
     ©2000 - 2019 ---------- Individual Authors of the Poetry.   All rights reserved by authors.