Alam ko kung gaano mo ako kamahal, kaibigan,
Dama ko yan noon pa at nagpapasalamat akong tunay;
Subalit may hangganan ang kaya kong ibigay,
Hindi ko masusuklian pag-ibig mong ipinadarama.
Batid mong siya lang ang laman ng puso ko at isipan,
Na siya lamang ang tanging makapagpapasigla sa akin;
Araw at gabi pangarap ko siya sa panagimpan,
Ligaya nang makapiling ko siya sa mga panaginip.
Huwag mo sanang isipin na malupit ako, kaibigan,
Tapat lang ako sa aking sarili at ayokong dayain ka;
Hindi tamang paasahin ka sa bagay na hindi totoo,
Mas masasaktan ka lang at mas luluha pagkatapos.
Hangad kong matagpuan mo na rin kaligayahang ninanasa,
At dalangin ko sa tuwina’y makadaupang-palad mo na siya;
Nawa ang sayang nadarama ko ay mapasaiyo na sa hinaharap,
Dahil pag-ibig ang sanhi kaya mundo natin ay nagkakulay.
-SALLIE, thePoeticJournalist
Toronto/ 071504