Hindi ko malirip bumabalot na kaligayahan,
Magmula nang mahalin mo rin ako, o liyag;
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa ngayon,
Na magkakapitak din ako sa pihikan mong puso.
Kulang ang salita para ilarawan ko sa iyo, Vivian,
Hindi sapat ang aking panitik upang mabatid mo;
Na pag-ibig ko sa iyo ay hinding-hindi magbabago,
At kaligayahan ko nang mahalin ka sa tuwina.
Walang maaaring makapagpaliwanag ng lahat sa akin,
Sa sayang nadarama ko kapag tinig mo'y naririnig;
Lumbay ko'y napapalis basta magkausap tayo,
At sinasambit-sambit sa akin na ako ay mahal mo.
Pangako ko sa iyo, ikaw lang magmamay-ari,
Vivian,
Nitong puso ko na sa iyo lang tanging iniaalay,
Ikaw lang ang mamahalin ko at wala na ngang iba,
Na iibigin ko't iingatan habang ako'y nabubuhay.