[Author's Home Page]   [About the Author]    [News Page]     Welcome:   ---    LOGIN/Control Panel
thecreativepoet1208
 Poetic-Verses      312132 Poems Read

 



MISS NAMAN NILA ANG ISA'T ISA

Para silang aso't pusa, bangayan nang bangayan,
Pero miss naman nila parati ang isa't isa,
Pareho pa silang cute, isang sutil, isang mataray,
Ma-in love kaya silang dalawa at magkatuluyan?

Average-looking si lalake pero masipag at sincere,
Hindi bolero, hindi mayabang yun nga lang manggagalit;
Ito namang si babae porke maganda akala mo ay reyna,
Lahat na ay inaaway, sinusungitan at sinusupla...

Sila ang nakakatuwang halimbawa ng internet love affair,
Kaya susubaybayan ko ang kanilang kasaysayan,
Isusulat ko sa pahinang ito may kinalaman sa kanila,
Kahit pa itong si babae ay medyo asar sa akin...

Bakit ko kamo nasabi na siya ay totoong naiinis?
Siguro dahil sa mga nagkaroon ng kaugnayan sa akin;
Kaibigan niya'y matalino, maganda, sikat at bata pa,
Ngunit di kami nagtagal porke na-attract ako sa iba.


Pero itong crush ni lalake ay totoong maganda,
Sexy, matalino, kahit sino ay mapapalingon;
Larawan niya sa profile ay kahanga-hanga,
Sana nga lang mabago na pakikitungo niya sa tao.

 
                  -SALLIE, thePoeticJournalist
                         Toronto/081204





Vote for this poem

Please Comment On This Poem

Comments

 Email Address

 

Vote for this poem

Sign Guestbook Read Guestbook Start Your Free Site PoetryPoem.com


  [Privacy Statement]   [Terms of Use]   
 © 2000 - 2019 + Individual Authors of the Poetry.   All rights reserved by authors.
 
Small Witch