312151  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

thecreativepoet1208
BABALA KO'Y PAKINGGAN


Iba't-ibang uri ng tao ating nakakasalamuha,
Sa pagsikat ng araw hanggang sa paghimlay ng gabi;
Hindi natin hawak mga magaganap sa atin,
Kaya dapat lang maging maingat, mga kaibigan.

Hindi masama ang lubusang magtiwala,
Okay ring mabuhos ang ating kalooban;
Hindi kasalanan kung tayo ma'y magmahal,
Pero ilagay lamang ang lahat sa lugar.

Baka kasi sa bandang huli ay lumuha kayo,
Pagsisihan ang mga ginawa sa kapwa-tao;
Mahirap na kasi pag nasugatan ang puso,
Kaya nga huwag bale-walain, babala ko sa inyo.

                      
                   -SALLIE, thePoeticJournalist







©2000 - 2019 - Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]  [ Search ]