328631  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

SAAN SIYA NAGKAMALI?


Nananahimik siya noon habang pilit pinaghihilom,
Sugatan niyang puso sapagkat binigo ng pinipintuho;
Sa kanya ay nais mong makipagkaibigan kaya siya binulabog,
Na buong lugod naman niyang tinanggap at yan ang totoo.

Mabait ka, maalalahanin, totoong tao at kaibigan,
Kahit abala ka sa trabaho di mo siya nalilimutan;
Kaya naman nabighani siya sa iyo at minahal ka niya,
Hanggang sa kayong dalawa ay naging magkasintahan.

Sa mga unang linggo ninyo kapwa kayo maligaya,
Halos buong mundo ninyo ay sa inyo lamang umiinog;
Kay sarap ng pakiramdam na kayo'y nag-iibigan,
Kaulayaw ninyo ang isa't isa kahit sa pagtulog.

Subalit nagulo ng iba ang inyong sariling daigdig,
May mga nagtangkang agawin ka sa kanya ng harapan;
Siguro'y may napusuan ka sa kanila kaya ka naglihim,
Pero mahal ka niya kaya di ka niya sinumbatan....

Halatado niya paglulubid mo ng kasinungalingan,
Alam niya kung nagsasabi ka sa kanya ng katotohanan;
Batid niya kung ikaw ay masaya pa sa piling niya,
Palalayain ka naman niya kung iyan iyong kagustuhan.

    
                                 -SALLIE/081804









©2000 - 2021, Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]   [ Search ]



dreamweaver POETRY BY KRIS ~ DREAMWEAVER - ~WELCOME TO DREAMLAND~ Read my Poems to Know me. I am in my poems.  
dreamweaver
poet5170 Poetry by Elsie - *WELCOME TO MY WORLD* ~ Read my poems full of fact, fiction and fantasy.  
poet5170
poeticjihadabulateefbabatundeamerikkkasmosthatedmuslimpoet Muslims Favorite Poet - Your New Favorite Site Feedback and critique requested  
abulateefbabatunde
mykalangelo Poems of Mykalangelo. - Tell me whatever, I'm not here often From poetrypoem.com your life will grow  
Mykalangelo
Insomnia's Melancholy World - Dark, gothic, mood swings. critique requested.  
insomnia
godspoetwriter Poetry by godspoetwriter - Feedback and critique requested.  
godspoetwriter
author3578 Poetry by author3578 - Welcome to Janet's Planet critique requested.  
author3578

knighttruelovepoems     preciouspoetess      poet5170      scottvinson      rockiii7  View All Poets
Newest Item: Desert Wall 42
(Written October 20, 2011) A desert wall falls. Its last stand mauled. Progr ... More
Added: 2021-10-10  My Poetry List  PoetryPoem.com      Get a Free Site       Blogs     Stories     Premium Sites