312655  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

thecreativepoet1208
NAG-UUMALPAS NA DAMDAMIN


Sabik na sabik na ako sa pagsapit ng Disyembre,
Sapagkat sa araw na iyon makikita na kita sa wakas;
Mahahawakan ko na malasutla mong mga palad,
Mayayakap kita't mahahagkan malambot mong mga labi.

At sa sandaling iyon patutunayan ko, aking mahal,
Wagas na pag-ibig ko na tanging sa iyo lamang;
Sa ating pagniniig ipararamdam ko ng lubusan,
Maalab kong pag-ibig na noon ko pa pinapangarap.

Naglalagablab buo kong damdamin, oh Vivian,
Sa alindog na taglay mo, iba ka nga sa karamihan;
Nag-uumapaw walang pagsidlan kong kaligayahan,
Makaulayaw ka't maangkin nang walang katapusan.

Salamat sa pag-ibig na buong puso mong ibinigay,
Kakaiba kang tunay, nag-iisa ka nga sa mundo,
Hindi ka na mawawalay pa sa aking puso at isipan;
Manalig ka sa akin...hindi nila ako maagaw sa iyo.


             -SALLIE, thePoeticJournalist









©2000 - 2019 - Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]  [ Search ]