311970  Poems Read Home Login

 Poetic-Verses

thecreativepoet1208
TUNAY KA NIYANG KAIBIGAN


          (Handog kay browneyes2004)


Akala ko talaga ay super ang pagka-taray mo,
Ang supla-suplada pa, akala mo'y kung sino;
Asar na asar kami dahil sa iyong pagka-sarcastic,
Kaya kabi-kabila yata natanggap mong mga e-mail.

Pero sa katotohanan kabaligtaran pala lahat iyon,
Dahil ang tunay na Mikaela ay malambing, may puso;
Palakaibigan, may pakikipag-kapwa at maunawain,
Matalino, mapagpakumbaba, maganda ang personality.

Alam mo ba na di naman ako nagalit sa iyo talaga,
Hinangaan pa nga kita dahil kakaibang klase ka;
Hindi mo iniwan ang kaibigang nangangailangan,
Ipinagtanggol siyang tunay sa mga kumakalaban.

Hanggang dito na muna itong aking panulat,
Nawa'y magtuluy-tuloy magandang pagtitinginan;
Kahit na sinaktan ko ang kaibigang mahal sa iyo,
Sana'y di na tayo magkaroon pa ng anumang sigalot.


                            -SALLIE/082403









©2000 - 2019 - Individual Authors of the Poetry. All rights reserved by authors.

Visit My Home Page | Start Your Own Poetry Site | PoetryPoem
[ Control Panel ]  [ Today's Poetry - ALL Poets ]  [ Search ]