Pag-ibig...bakit kahit saan at kahit kailan,
Hindi ito nawawala at palaging laman ng panulat?
Sa kauna-unahang panitikan, liriko ng mga makata,
Kakaibang sigla ang idinudulot ng kanilang salaysay.
Pag-ibig...pagsama-samahin man lahat ng mga kathain,
Nangunguna ang titulo, ang karanasan nitong damdamin;
Mapasaya, mapalungkot hindi naglalaho ang pag-ibig,
Dahil ito ang nagpapaikot, nagpapakulay sa daigdig.
Mayroon akong nalalamang nagtiis at nagpakasakit,
Itinago niya saloobin sa takot na siya'y upasalain;
Datapwat puso niya ay natutong magmahal man din,
At ngayon niya napagkuro ano palang sarap ng ibigin.
Kaya ikaw na nag-aalinlangan na baka ika'y hamakin,
Baka ikaw ay pagtawanan o kaya'y biguin ng minumuting;
Mas mainam na masaktan ka kaysa patuloy mong ikubli,
Nagpapainog ng mundo natin ay nakasalalay sa pag-ibig.
MAS MAGANDANG KARANASAN ANG UMIBIG AT IBIGIN,
KAYA HUWAG KANG MATAKOT MATUTONG MAGMAHAL DIN.