Kasabihan na ang tunay na nagmamahal ay nagpapakasakit,
Kahit na nasasaktan o nasusugata’y nagiging maunawain pa rin;
Kahit pa lumuha sa magdamag at tuwina puso ay nagagahis,
Ay patuloy pa rin sa pagsasa alang-alang dahil nga umiibig.
Bakit nga ba ganito ang nagaganap sa pakikibaka sa mundo,
Bakit di matapus-tapos mga suliraning dulot ng pagsuyo?
Hanggang kailan titiisin ang pagnanasang nadarama sa iyo,
Hanggang kailan mo mamahalin ang aba niyang pagkatao?
Wagas na pagmamahal totoong naipaparamdam natin,
Tapat ang adhikain na maipagkaloob sa minumuting;
Lahat nang makapagdudulot sa kanya ng ibayong aliw,
Ganyan talaga ang nagagawa ng pusong puspos ng pag-ibig.