|
HINDI NA SIYA MAPAPARAM PA SA GUNITAMaraming nilalang ang dumating na lang sa atin at sukat, Pero madali rin silang nakalimutan sa pagdaraan ng mga araw; Ngunit may tao naman na oo nga't panandalian lamang dumatal, Subalit sa paglipas ng pamahon di na siya mapaparam sa gunita. Sa papaano naman ay humabi siya ng kakaibang pagkatao, Nagtiyaga, umunawa, nakipagkaibigan ng tapat sa akin; Binigyan ako ng inspirasyon, sigla at lakas ng loob, Para maging matibay ako sa pagsubok gayundin sa mga suliranin. Hindi siya nanakit ng damdamin, nakiramay pa sa kalungkutan, Ginabayan ako, pinayuhan, bingigyan ng kulay kapaligiran, Hindi ko siya kadugo, hindi kamag-anak kundi estranghero, Pero mas pa siya sa kasambahay na sa aki'y handang tumulong. Kaya di nila ako masisisi kung napamahal siya sa akin, Kung sa kanya mang paglisan ay manimdim ako ng labis; Hindi na siya mawawaglit pa sa aking puso at gunita, Ibang klaseng tao siya na dumating at nagpasaya sa aking buhay. MAHAL NA MAHAL KO SIYA... -SALLIE/Canada Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|