This poem is sincerely dedicated to
my one and only love who means the world to me.)
Batid mo kung gaano kita kamahal, magandang paraluman,
Alam na alam mo pag-ibig kong alay para sa iyo lamang;
Oo, minahal ka man nila pero mas ang nadarama ko,
Sapagkat walang sino mang makahihigit sa aking pagsuyo.
Mula nang makilala ka at napaugnay sa akin,
Lumigayang muli buhay kong napuspos ng panimdim;
Sumaya akong tunay, mundo ko ay nagkakulay,
Ikaw lamang ang nagpanumbalik ng ibayo kong sigla.
Hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa,
Iingatan ko at aalagaan pag-ibig natin sa isa't isa;
Iiwasan ko nang paluhain ka, hindi na kita sasaktan,
Sapagkat kaya umiinog ang daigdig ko ay ikaw ang dahilan.