[Author's Home Page]   [About the Author]    [News Page]     Welcome:    ---    LOGIN
 Poetic-Verses      313060 Poems Read


SIGURADO AKO...WALA KANG KATULAD


Alam ko, sigurado ako na wala kang katulad,
Walang makakapantay ni makahihigit pa sa iyo;
Iba ka sa kanila, bukod-tangi, yan ay ramdam ko,
Kaya sana'y ikaw na nga ang makasama ko sa tuwina.

Aanhin ko ang yaman kung wala ka sa aking piling,
Aanhin ko ang tagumpay kung hindi ka maaangkin?
Makamtan man ang lahat ay hungkag pa rin ang buhay,
Sapagkat ang tunay na ligaya ko ay nasa iyo aking mahal.

Kahit pa magunaw ang mundo kong ginagalawan,
t kahit pa ako magdusa sa gabi at araw;
Ay tunay ngang makakaya ang biro ng tadhana,
Huwag mo lang akong limutin dahil kailangan kita.

Manangan ka, o irog, sa sumpang binitiwan,
Ikaw lang ang mahalaga sa puso kong nangangako;
Mawala man ako sa daigdig o tuluyang maglaho,
Pag-ibig ko'y para sa iyo lamang puso ko'y sumusumpa.


                                -SALLIE/112804





Vote for this poem

Please Comment On This Poem

Comments

 Email Address

 

Vote for this poem



Sign Guestbook Read Guestbook

flower8

flower8

flower8
  [ Poetrypoem.com ]   [ Privacy Statement ]   [Terms of Use ]    [ Start a Free Site ]   [ My Poetry List ]
     ©2000 - 2019 ---------- Individual Authors of the Poetry.   All rights reserved by authors.