Noong matukso ako at muntik nang magkasala,
Ay nanangis ako sa maghapon sa tindi ng kalumbayan;
Sa araw at gabi ay hindi kita naranasan,
Katawa'y nanghina tila ba natuyo sa sikat ng araw.
Lumapit ako, Ama, sa banal Mong harapan,
Sala'y inamin, pagsalangsang ko'y di inilihim;
At sa oras na yaon ang pagpapala'y kinamtan,
Natamo ko ang patawad Mo sa wagas kong pagsisisi.
Ang lahat ng tapat ay manalangin sa Diyos,
Upang hindi abutin kung baha man ay bumugso;
Ang Panginoon ang kublihan, sasagip sa bagabag,
Siyang kakalinga sa atin sa panahong kailangan.
Mapalad ang tao na nagkamit ng patawad,
Kaya dapat ang lumayo sa mga kasalanan;
Ang Diyos ang may saad: “Ituturo Ko sa iyo ang daan,
Binigyan pa kita ng payo at ng lahat mong kailangan.”
“Pag ikaw ay tumawag laging handa Akong makinig,
Sasamahan Kita at sasaklolohan sa mga hilahil;
Pararangalan Kita sa Bayang banal at doo'y gagantimpalaan,
Magtatamo ka pa ng kaligtasan kung sa Aki'y matama kang
magtatapat!”