Ako'y isang manok na isang kahig, isang tuka
na may tila landas na matinik ang hinaharap.
Nakatali ang kilos sa bakud na sariling likha,
walang magawa kundi maghintay ng biyaya.
Kalayaan ay labis na inaasam
na makatawid sa bakud
at tuluyang lumisan
Ngunit ong lumipad ay napakababa
ang paglipad pataas ay siya ring paghila pababa.