DAMDAMING TUMUTULA

GALIT ni Yalong, Kimberly

Mula sa pinagkiskis na bato,
isang apoy ang nabuo
kusang nagbabaga
di akalaing lumalagablab pala.

Apoy sa madilim kong gubat,
apoy na sayo'y magdadala ng sugat,
huwag alagaan at kusang maglalaho
at lalamon sa iyo.

Ang apoy ay naging galit
na lumalaki sa loob ng gubat sa puso
na siyang maging sugat sa pusong
nagkakasala.


Comment On This Poem ---
GALIT ni Yalong, Kimberly

91,396 Poems Read

Sponsors