sa tuwing ikaw ay nakikita
puso kong ito'y sumigla
punong-puno ng kaba
sapagkat ika'y papalapit na...
ang mga labi mo'y simpula ng rosas
mga pisngi mong singkinis ng mansanas
ngunit sa iyong paningin
ni anino di man lang pansin.
araw-araw ikaw ang tanging tanglaw
pagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay uhaw na uhaw
ikaw ang siyang tanging pinapangarap
at nais kong makasama sa hinaharap..
ginawa kong lahat-lahat para lang sa iyo
para patunayang ikaw lang ang nilalaman ng puso ko
ngunit sa puso mo'y di ako!....
kaya heto ako ngayon at nabibigo.