|
SAAN BA?Ni Ruaya, Julie Ann Saan ba nagkamali Nang sa'kin gumanti Kalikasang makulay Gandang walang kapantay. Parehong nilikha ng Diyos Naging masuway… Naging marahas… Ngunit laging nagbibigay. Di ba matatandaan, Sa panahong nagdaan Kung bakit naging marahas? Kapaligira'y winasak…. Sa isang luhaan Lahat ay may kagagawan Kaya buhos sa nararamdaman Upang ang isip ay matauhan…. Kapwa'y naging kawawa. Niluluha'y baha Hinahalakha'y tsunami Bilang isang ganti… BUKSAN… MGA SARADONG MATA Nina Stephany Jane Rivera Melissa Tiu Doon at dito'y barusa Dungis ng mukha ang kapara Kahit anong anggulo Nakakasakit ng ulo. Ilong ay nagkaka-sinus Mata'y lumalagkit sa kirot… Mula sa pagkamaakitin Naging isang kupasin. Biyaya'y binaliwala Sakim at walang awa! Kinabukasan ng paslit Gunaw na mudo ang makamit. Sana'y magkaka-Visen(eye-drop) Bago magtatakipsilim Upang mundo'y makakaalpas At di na tayo mag-eyeglass. ROSHELLE Ni Meesey Alipuso Nang ako'y sisiw pa Ako'y walang wala sa iba Nuo'y laging nakakunot Puso'y napakakirot. Langing tanong ay bakit Na sa iba'y pangit. Nang si Babae'y nakilala Ako'y biglang pumugi na. Roshelle ang pangalan niya Taglay ay kakaiba Kaya type na type ko siya Isipa'y sumasang-ayon pa. Nangangarap na papangitiin Harana'y langit aabutin Pati araw kung kukulangin Roshelle ang sa damdamin. Masiglang araw akoy nagpapasinag Laking tuwa sa sagot na hinahangad Roshelle kahit ako'y tulala Ngayo'y ako'y nag-iiba maniwala ka. Pangakong tutuparin ko Hanggan sa ibang sulok ng mundo Sa langit o sa purgatoryo Roshelle ang may-ari ng puso ko. KAPALIGIRAN KO Ni Allan Jimenez Ba't nagkakamali Ba't nagkakaganit Kapaligiran Naging basurahan. Kailangang masusolusyunan Kapaligiran alagaan Pag-aalaga ang namamagitan Sa mga basurang kapalpakan Makabagong paraan Open dumping sinang-ayuan Landfill ay napapalagian Nakakasira sa kalusugan. MAGBAGO NA Ni Rolyn Babie Supapo Bakit ba? Basura'y tambak tambak… Ako'y Isang sawiang palad…. Wasak na wasak… Tao ang may kasalanan. Lungkot na lungkot… Ang dati'y kasiyahan. Sa kinakain, Pinanggalingan… Pinutol at pinatay: Itim na tubig naging likha… Matalino daw… Pero bobo! Gumising na kayo, Nang di mawasak iyong mundo. Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|