|
MAY BUKAS PAAlumpihit ka sa bawat sandali dahil batbat ka ng mga hilahil, Impit na pagluha ang kaulayaw mo sa gabi at araw; Lagi kang nalilito sa masasalimuot na pangyayari, Sapagkat di matapus-tapos kasiphayuan mo sa buhay. Maraming mas kahabag-habag sa iyo at mas nasasaktan, Mga pipi sila at pilay, mga bingi saka bulag; May mga anak na mahirap hampas-lupa ang kapara, Subalit sila ba ay sumukong mainam? Sa pakikihamok natin sa pag-agos ng mundo, Tibay ng dibdib ang tangi nating sandigan; Subukan mong sa Ama ay manalanging mataos, At mahihinuha mo na magandang bukas din pala ay daratal. SALLIE, thePoeticJournalist Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|