|
NGAYONKahapong kay lungkot ay limutin mo na nga, Maging ang hapdi ng puso mo’t kaluluwa; Ano ang pakikinabangin ng iyong isipan, Kung ikaw ay patuloy sa mga pagluha? Masdan ang kasalukuyang nag-aanyaya ng ginto, Ang ngayong may pangako na sakdal at buo; Pangarap ng buhay sa gitna ng mundo, Tupdin, magsikap, maging gabay na totoo. Magpunyagi ka, o tao, at maging matatag, Sa mga hamong ito na puspos ng dusa, Mabigo ka man, apihin at pagtawanan, Umasa kang may Diyos sa sanlibutan. Pagdatal ng bukas pagkatapos ng ngayon, Inaning tagumpay ay langit ngang nabuo; Kaibigan mo’y darami, magsisilbi kang bantayog, Nang lipunang minsan ay hindi ka pinansin! -SALLIE, thePoeticJournalist Poetry Ad-Free Upgrades Vote for this poem
|
|
| |||||||||||||||||||
|