[Author's Home Page]   [About the Author]    [News Page]     Welcome:    ---    LOGIN
 Poetic-Verses      312707 Poems Read


LUMIGAYA RIN AKO SA WAKAS


Matagal din akong nagkubli sa totoo kong pagkatao,
Mahabang panahon kong itinago kung sino nga ba ako,
Ayoko kasing hatulan ako ng madla, pagtawanan, libakin,
Kaya hinayaan kong mapalayo sa mga nagmahal sa akin.

Sa bawat gabi na magdaan ay luha ang aking kaulayaw,
Nananangis, nanlulumo, bakit nga ba nalulumbay?
Wala bang karapatang lumigaya ang isang tulad ko,
Di ko naman ginustong mabilanggo sa katawang ito.

Tatlumpu't anim na taon akong nagdusa sa lunggati,
Tiniis kong malungkot huwag lang akong upasalain;
At nang ako'y makarating dito nga sa ibayong dagat,
Doon ko napagkurong sa sarili ay dapat akong maging patas.

At inihayag ko sa mga kasambahay matagal kong lihim,
Sa una'y di sila makapaniwala ngunit naging maunawain;
Kaya nga sa ngayon ako ay masaya, mapayapa at malaya na,
Mula sa tanikalang nagbigkis sa akin mula sa pagkabata.

At ikaw, Vivian, ang unang babae na minahal ko ng ganito,
Tumanggap sa pagkatao, nagmahal ng walang pag-iimbot;
Daigdig ko'y nagkakulay, aking mundo'y muling uminog,
Dahil sa pag-ibig mo na tanging yaman ko sa buhay na ito.

                    
                            
                 -SALLIE, thePoeticJournalist
                         Toronto/080404
 





Vote for this poem

Please Comment On This Poem

Comments

 Email Address

 

Vote for this poem



Sign Guestbook Read Guestbook

flower9

flower9

flower9
  [ Poetrypoem.com ]   [ Privacy Statement ]   [Terms of Use ]    [ Start a Free Site ]   [ My Poetry List ]
     ©2000 - 2019 ---------- Individual Authors of the Poetry.   All rights reserved by authors.