Ikaw ang dahilan
kaya puso ko'y pumipintig,
Ikaw din ang sanhi
kung bakit ako maligaya;
Wala na akong mahihiling pa
sa iyong pag-ibig,
Sapagkat tunay na kay palad ko
nang matagpuan kita.
Kahit salat ako sa yaman
ay kayamanan kang maituturing,
Kahit pa laitin nila ako
ay hindi ko na papansinin;
Anuman at sinuman
ay hindi na nga makapagpapabago,
Sa pagmamahal ko sa iyo
na sinubok na ng panahon.
Tanggapin mo sana
walang-maliw kong pasasalamat,
Ang wagas na pagmamahal
dahil sa iyong kadakilaan;
Mananatili ka na
sa puso ko at isipan magpakailanman,
Dahil iba ka sa karamihan
na sa aki'y nagmahal ng tapat.