Wala kang ginawa noon
kundi mag-e-mail sa akin,
Doon sa FFF kaya naman
na-impressed ako sa iyo;
Bata, matalino, may pigura
at maganda ang trabaho,
At ako'y narahuyo
na pakikipagkaibigan mo'y tanggapin.
Sa mga mensahe mo
nasasalamin kong naninibugho ka,
Sa pinag-aalayan ko ng tulang
napupuspos ng pag-ibig;
Nagtataka ka sa sarili
bakit di yata kita pinapansin,
Gayong karamihan sa kanila
sa iyo ay nagkakandarapa.
Hindi halatado
mga pagbibigay mo ng motibo,
Subalit sa madaling salita
naging mag-on tayo;
Hindi kita niligawan
basta tinawag na lang kita,
Sweetheart, honey, babes
at kilig ka sa tuwina.
Pero may nakapagsabi sa iyo
na ako'y may iba pa,
Bukod sa iyo
ay mayroon akong napupusuan talaga;
Hindi lang kita natanggihan
dahil masasaktan ka,
Pero mas mahal ko si Vivian
at yan ang katotohanan.
Ginulo mo ako
kasama ng iyong mga kaibigan daw,
Pero ngayon iniiba mo sa madla
ang talagang nangyari;
Para lang hindi mabisto
na inayawan kita sa una pa man,
Kaya nga kinatha ko ito
upang ang totoo'y maiparating.
Hindi ako likas na masama
o taong walang puso,
Lalong hindi ako malupit
o sa pag-ibig mapaglaro;
Nagkataon lang na si Vivian
ang lahat sa akin, Cielo,
Mas mahal ko kasi siya
at pag-ibig niya ay langit ko!