Habang hinahabi ng ulap ang dilim
Sa lilim ng takipsilim
Ako'y napayuko't nanalangin
Dios Amang mahabagin….
Sa marahang dampi ng amihan sa aking pisngi,
Naniniwala akong nariyan ka sa bawat sandali;
Sa samyo ng mga talulo't bulaklak,
Dama ko ang iyong kariktan at halimuyak.
Sa bawa't patak ng aking luha
Dinig ko ang bulong ng iyong salita;
Dito sa aking puso, hatid mo'y pag-ibig at pag-asa
Sa aking pagharap ng bukas, Panginoon, kasama kita.